Lauro Vizconde umalma sa paglaya ni Biong

NAIS pagpaliwanagin ni Lauro Visconde ang Department of Justice (DOJ) at ang Bureau of Corrections (Bucor) kaugnay ng paglaya ngayong tanghali ng dating pulis na nahatulan sa Visconde Massacre case.

Naniniwala si Vizconde na hindi pa dapat makalaya si Gerardo Biong dahil labing anim na taon ang dapat daw nitong bunuin sa bilangguan.

Bukod daw kasi sa Vizconde Massacre case, nabatid din nilang nahatulan din si Biong sa iba pang kaso.

Isa umanong Danilo Cayuwit ang naghain ng kasong attempted murder nuong taong 1998 laban kay Biong kung saan nahatulan siyang mabilanggo ng apat na taon.

Sinabi ni Vizconde na base sa kanilang computation, labing limang taon pa lamang ang nabubuno sa bilangguan ni Biong at sa susunod na taon pa ito dapat na makalaya.

Dahil duon, dapat umanong ipaliwanag ng DOJ at ng BuCor kung ano ang ginamit nilang computation sa sentensya ni Biong.

Kaninang umaga, nagsumite ng liham ang Volunteers Against Crime and Corruption sa DOJ kung saan hiniling nila na pigilin ang paglaya ni Biong.

Iginiit ng VACC sa liham na dapat ay nabigyan din ng pagkakataon si Lauro Vizconde bilang aggrieved party na mapakinggan ang kanyang panig bago tuluyang napalaya si Biong. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply