Listahan ng mga legal holidays sa 2011, inihahanda na ng Malakanyang

BUNSOD ng maraming holidays sa Pilipinas,naghahanda na ng isang proklamasyon ang Malakanyang na sasakop sa lahat ng legal holidays sa taong 2011.

“Ginagawa ngayon para magkaroon ng katiyakan, naghahanda ng isang proklamasyon na sasakop sa lahat ng holidays para sa buong taon ng 2011,” ayon kay Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr. sa isang panayam sa radyo.

Sinabi ni Coloma na ito rin ang hinihiling ng mga negosyante para maiplano na rin nila ang mga aktibidad sa susunod na taon at magkaroon ng katiyakan sa mga araw na walang pasok.

“Ito ang hinihiling ng mga negosyante business sector at ng bayan para magkaroon ng katiyakan at maiplano ang activities ng iba,” dagdag pa nito.

Matatandaang noong termino ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, ang ilang mga national holidays na ipinagtibay ng Republic Act 9492, ay inililipat sa araw ng Lunes kung ang naturang holiday ay pumatak ng Sabado o Linggo.

Gayunman, pinili ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na hindi ito sundin tulad na lamang nang gunitain ang anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama na si Senador  Benigno “Ninoy” Aquino Jr., noong Agosto 21,  na pumatak ng Sabado, na dapat sana ay gugunitain noong  Agosto 23, Lunes, alinsunod sa ipinatutupad ni dating presidente Arroyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply