Live coverage sa Ampatuan trial hiniling ni P-Noy sa SC

PORMAL nang hiniling ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa Korte Suprema na payagan ang live coverage sa paglilitis sa kaso ng Maguindanao massacre.

Hindi lamang magsisilbing comfort sa mga kamag-anak ng mga biktima sa Maguindanao massacre ang live media coverage sa pagdinig ng korte sa kaso kundi ipakikita nito sa buong mundo na ang hustisya ay gumugulong sa Pilipinas.

Ito ang ipinunto ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa kanyang liham kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona kaugnay sa hinihirit na live media coverage sa vista ni Judge Jocelyn Solis Reyes ng Quezon city Regional Trial Court Branch 221 na dumidinig sa kaso
Sa kanyang liham,

Pinaalalahanan din ng Punong Ehekutibo ang Pinakamataas na Mahistrado kaugnay sa pagpapairal ng mga batas at ng Konstitusyon na nagsasaad na dapat tiyaking pinaiiral ang hustisya sa lahat ng pagkakataon at ito aniya ay sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng mga sensational and high profile cases.

“You and I, and the respective independent branches of government we head, are duty-bound to uphold the Constitution and our laws. We are all bound to ensre that justice is done and her interests served. Furthermore, we need to make people aware of, and convinced that, justice is being done and her interest served. This can be done by making the trial of important and sensational cases such as the Maguindanao massacre case, public”, ayon sa bahagi ng November 22 na liham ng Pangulo kay  Chief Justice Corona.

Sinabi rin ng Pangulo na batid niya raw ang pinaiiral na ruling ng Supreme Court na nagbabawal sa live media coverage  ngunit iginiit din ng Pangulo na ang live media coverage sa Maguindanao massacre ay magsisilbing   educational para sa sambayanan upang malaman ang mga tunay na kaganapan sa likod ng krimen at kung ano ang dapat na gawin upang maiwasan na mangyari pa ang krimen.

“The more who participate in this great teaching and corrective experience, the faster and the greater the chances will be of this tragedy never being repeated again,” paliwanag ng Pangulo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply