Live-in partner patay sa parak

DEAD- ON-ARRIVAL sa pagamutan ang isang dalaga matapos mabaril ng kinakasamang pulis, kahapon ng hapon, sa Cuervo 2, Brgy. Halang, Calamba City, Laguna.

Sa ipinadalang report ni Supt. Reynaldo dela Cueva sa tanggapan ni Region 4A Regional Director Chief Supt. Samuel Pagdilao, kinilala ang biktimang si Jennifer Manaig delos Santos,ng Brgy. San Jose, ng nabanggit na lungsod, na magtamo ng isang tama ng bala sa leeg mula sa .45 kalibreng baril.

Kaagad na sumuko ang suspek na si SPO1 Julian Jay Piamonte, 48,  at nakatalaga sa Calamba Police Staion matapos mabaril ang kanyang kinakasama sa loob ng kanyang hindi na nabanggit na sasakyan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagtalo ang dalawa matapos magselos ang suspek hanggang sa mauwi sa pamamaril sa biktima, at mabilis na tumakas ang pulis makaraan ang insidente.

Naisugod pa sa Pamana Hospital ang biktima ng isang tricycle driver subalit ideneklarang patay na ito.

Pormal nang sinampahan ng kasong Homicide ang suspek  sa Calamba Regional Trial Court at kasalukuyang nakaditine sa himpilan ng pulisya. Gaynor Bonilla

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply