Liz Uy imbiyerna sa pagkokompara kay Ai Ai dela Alas

MULI na namang sumiklab ang away ng magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barretto.

Maraming nag-akala na matagal nang tapos ang awayan ng magkapatid at nanahimik na nga ito at wala tayong narinig na parunggit sa magkabilang partido.

Aba, ngayon ay nagbabaga at naglalagablab sa galit si Claudine sa kanyang Ate Greta at nagbitaw ito ng maaanghang na salita patungkol sa kanyang ate.

Hindi  iniisip ni Claudine na magagawa sa kanya ng sarili pa niyang kapatid itong paninira sa kanya.

Ang nakakaloka pa ay itong nalaman daw ni Claudine sa iba pang tao ang paninira sa kanya ni Greta, kaya nagpupuyos sa galit ang Claudine, at napag-alaman naman ng kampo niya.

Ang kanyang Ate Greta daw pala ang nagpapakalat na hiwalay, on the rocks na ang relasyon nina Claudine at Raymart Santiago.

Kaya naman masamang-masama ang loob ni Claudine sa kanyang Ate Gretch at ayaw na niya raw makita ang face nito dahil sa inis.

Nagtataka naman ang kampo ni Claudine kung paano nalalaman ni Gretch ang kalooban na pangyayari sa kanilang bahay at wala naman daw siya dito. At isa lang naman ang binitawang salita ni Claudine na pakialaman na lang niya ang kanyang sarili at huwag ang buhay nila.

Marami nanghihinayang at muli na naman palang nag-aaway ang mag-sister na akalang marami ay closed book na ang awayan sa pagitan nilang dalawa.

‘Yun na!

LIZ UY, IMBIYERNA SA IBANG TAO NA PILIT SIYANG IKINUKUMPARA KAY AI AI DELAS ALAS

HINDI naman sa ayaw o hindi gusto ng stylist na si Liz Uy, ang ex- gf ni John Lloyd Cruz na maihalintulad sa mahusay na komedyana.

Wala din direct na pagsasabi na pangit si Ai Ai Delas Alas kaya ayaw niyang ikinukumpara siya dito.

Nahihiya pa nga si Liz at nadadawit lagi ang namesung ni Ai Ai, tulad na lang ng nailathala sa ilang pahayagn ang pakikipag-date ni PNoy sa isang babae na sinasabi na si Liz.

May ilang mga detractors ni Liz na hindi kamukhani Liz ang kasama o ka date ni  PNoy.

Mas kamukha nga raw ni Liz ay itong si Ai Ai kaya naman nang makarating sa kampo ni Miss Uy ay inis na inis  ang mga ito.

Ayon naman sa ating tsismosang kapitbahay na magpaka-true nga raw si Liz kung bakit ayaw niyang ikinukumpara siya kay Ai Ai.

Dahil ayaw niya itong makamukha dahil ang akala ng kampo ni Liz ay pangit si Ai Ai kiyeme kiyeme pa nga raw si Liz sa pagsasabi na ayaw niyang nadadawit o nakakaladkad ang namesung ni Ai Ai.

Ow, come on sabi pang ilan naming tsismosang kapitbahay.

Feeling daw ni Liz ay mas di hamak na byuti siya kumpara kay Ai Ai at ‘yun ang trulili kaya ayaw niyang ikinukumpara dito.

Well, well, well…

SA DECEMBER 12 NA ANG 8TH CHILDREN’S POWER NG TOP

HALOS lahat ay excited na sa papalapit na pagsasama- samang tinig ng kabataan sa ika-walo nitong taon.

Kaya naman puspusan na ang kanilang pag-e-ensayo para sa paghahanda sa 8th Children’s Power. Mismo ang Kaibigan Muska ay ready na rin. Ganun din ang lahat ng partcipants na hindi lang excited kundi mix emotions ang nararamdaman ng lahat.

Ang lahat ng mga participants sa 8th Children’s Power sa iba’t ibang kategorya ay naghahangad na maging kampeon.

Preparado na rin ang lahat ng TOP officers para sa paparating na 8th Children’s Power  at inaasahan naman ng TOP officers na mas lalong lolobo ang sasali sa 8th year big event na ito.

Thankful si M.R.S. ang direktor ng  Children’s Power sa kanilang mga sponsor  na always na nandiyan at nakasuporta tulad ng TUPURO, Charlie-Rich Gym at Pocket Saver.

Congratulations! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply