Lolo dedo sa motel nang humirit ng sex

DAHIL sa matinding pananabik sa sex, namatay ang isang lolo sa loob ng isang motel makaraang humirit pa ng isang pakikipagtalik sa kasintahan kamakalawa ng madaling araw sa Pasay City.

Isinugod  sa San Juan de Dios Hospital ng kanyang kasintahan ang biktima, pero idineklara itong patay na pagsapit sa pagamutan.

Nakilala ang biktima na Amos Gorgonio, 58, may-asawa, ng Manggahan, Pasig City habang ang kasintahan niya ay napangalanang si Josephine Gallentes, 44, may-asawa, kasambahay at residente ng Maryland Village, Las Piñas City.

Ayon sa pahayag ni Gallentes, may tatlong buwan na silang may lihim na relasyon ng biktima, bagama’t batid niyang may pananagutan na si Gorgonio.

Nitong nakaraang All Saints Day, dakong alas-tres ng madaling araw ay nagpasya ang magkasintahan na magtungo sa Rotunda Lodge Hotel sa  Taft Avenue, Pasay City.

Sa nasabing motel ay inokupahan nila ang Room 512 upang malasap ang pananabik sa bawat isa.

Makaraan ang unang pagtatalik, humiling pa ng isang round ang biktima pero pinayuhan nito ang katalik na pansamantalang magpahinga dahil batid niyang may taglay itong karamdaman sa puso. Johnny Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply