Lolong tigasin isinelda

KALABOSO ang kinasadlakan ng isang lolo na nagsisiga-sigaan matapos arestuhin ng mga awtoridad dahil sa pagdadala ng baril at pamamalo ng dos-por-dos sa kapitbahay kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Ang suspek, na nakapiit sa kasong paglabag sa omnibus election code (gun ban) at physical injuries, ay nakilalang si Anastacio Cleofas, 77, ng 43 Sanchez st., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod.

Nagtamo ng sugat sa ulo sanhi nang malakas na palo ng dos-por-dos ang biktimang si Avelino Bodis, 38, empleyado ng Malabon City Hall at naninirahan sa 72 C. Espiritu st., Brgy. Tinajeros.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Rommel Habig, dakong 5:55 ng hapon nang maaresto ang suspek.

Bago ang pag-aresto, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima at inireklamo nito ang suspek dahil sa pamamalo sa kanyang ulo at panunutok ng baril.

Kaagad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Malabon City Police kasama ang biktima at inabutan ng mga ito ang suspek na  naglalakad. Nakuha pa sa pag-iingat nito ang isang .22 pistola na baril. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply