Lopez-Marquez clash bukas!

BUKAS na magaganap ang sapakan nina undefeated WBO Featherweight champion Juan Manuel “Juanma” Lopez ng Caguas, Puerto Rico at two- division world champion Rafael Marquez ng Mexico City, Mexico sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas.
Ang bangasan ng dalawa na nakataya ang world featherweight title ni JuanMa ay nasa ilalim ng Top Rank promotions sa pakikipagtulungan ng PR Best Boxing, Zanfer Promotions, Gary Shaw Productions at Showtime.

Naniniwala naman ang kampo ni Marquez na mahina ang panga ni Lopez kaya maaari nila itong patumbahin tulad ng ginawa ni Pinoy pug Bernabe Concepcion.
Ngunit tinawanan lamang ito ni Lopez sa pagsasabing siya ang undefeated kaya dapat mag-ingat si Marquez.
“I read that the team of Rafael said I have no chin. But the one that’s undefeated is me and I know he lost a few fights by knockout. You will see who can take a punch and who can’t,” pahayag naman ni Lopez. “If I’m so good why don’t I fight (Yuriorkis) Gamboa and said I’m so good, I’m going to beat Marquez and Gamboa next June.”
Samantala, sinabi ni Marquez, kapatid ni Juan Manuel Marquez na isa sa mga naging biktima ni Manny Pacquiao, wala siyang ibang layunin kundi ang manalo kaya dapat itong abangan ng mga tao.  Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply