Lorna Tolentino, di interesadong mapasama sa Station ID ng Dos

HINDI na nagpatumpik-tumpik si Lorna Tolentino na sabihin kaya di na siya interesado sumama pa Station ID ng TV network ay dahil saglit lang naman daw ang exposure mo sa TV kapag nailabas na ito.

Kuntodo ayos ka pa raw at mamimili ng damit na isusuot, at ang matindi ay sobrang tagal ang pagte-taping ng paggawa ng Station ID, tapos ay wala pa raw ilang minuto sa TV ang exposure mo.

Malingat ka lang daw sa panonood ng Station ID ng TV network ay hindi mo na makikita uli ang mukha at hitsura mo doon. Kaya hindi na raw siya interesado pa mapasama dito.

****

Sa tuwing maalala ni Elma Muroz ang mga pinagdaanan niya sa Survivor Celebrity Showdown ay napapaiyak siya dahil sa hirap na dinanas doon.

Dito niya naranasan ang matinding hirap na mas matindi sa pagsali niya sa takbuhan.  “Sinasabi ko sa mga anak ko na dapat masubukan nila ang pagsali sa Survivor para maramdaman nila kung gaano kahirap ang mabuhay sa Isla,” aniya.

“Malaki talaga ang pasasalamat ko sa GMA 7 na isinali nila ako sa Survivor. Hindi ko talaga akalain na maabot ko ito. Akala ko, pagsali ko sa Survivor, tapos na. Pero ngayon, heto may pelikula na ako,” patuloy pa ni Elma na ayaw sabihin kung sino talaga ang tinanghal na first Celebrity Survivor dahil di pa raw tapos ang contest.

****

Humarap sa media si Katrina Paula kamakalawa kasama ang abogado na si Raymund Palad para pabulaanan ang naglabasang balitang nagtatago siya dahil sangkot sa kasong carnapping.

“Gusto ko lang naman ipaalam sa kanila na hindi ako nagtatago. Kasi hindi naman ako carnapper. Wala akong kinalaman sa kasong idinadawit ako,” pahayag ni Katrina na tila nangayayat.

Itinanggi ni Katrina na karelasyon niya si Raymond Dominguez na nakasuhan ng carnapping.

Totoo raw na parehong condo ang tinitirhan nila pero magkaiba ng unit at aminado na kilala niya ito.

“Oo, kilala ko siya, May picture kami na magkasama pero hindi porke`t may picture na magkasama kami ay boyfriend ko na siya. Wala na nga kaming komunikasyon,”say pa ni Katrina.

Itinanggi rin niya na may hot cars na nakita sa condo niya at sa kanya ito nakapangalan. At nagtataka daw siya nadawit sa kasong ito.

Marami ang nakapansin sa biglang pangangayayat niya. Tanong tuloy kung naapektuhan ba siya nang husto?

“Apektado talaga! Kasi pati pamilya ko nag-aalala, pati mga anak ko hindi na pumapasok sa school dahil sinasabihan silang ang nanay nila, carnapper. Dahil diyan gusto ko linisin ang pangalan ko,” patuloy pa ni Katrina.

Ayon naman sa abogado niyang si Atty Raymund Palad na abogado rin ni Katrina Halili, hinihintay lang nila ang kasong isasampa kay Paula para sagutin nila ito at kaya raw nilang patunayan na wala itong kinalaman sa kasong isinasangkot sa kanya. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply