Lotto jackpot price gustong agawin ni Morato?

Kailan lang ay naging sentro na naman ng kontrobersiya ang PCSO dahil sa pagtatangka ng ilan na bigyan ng kulay ang planong paglipat ng tanggapan ng ahensiya mula sa Quezon Institute papunta sa PICC sa Pasay City.

Ang masakit pa nito ay ginagamit pang dahilan ng mga lintik na naninira sa bagong liderato ng PCSO sa ilalim ni Chairperson Margie Juico ang mga batang may sakit na kanser  upang sansalain o hadlangan ang plano nilang paglipat ng tanggapan.

Ang isa sa pinakamaingay at lantarang bumabatikos sa plano nina Juico ay ang dating chairman at naging director ng PCSO na si Cholo, este, Manoling Morato pala.

Sa unang sigwada at kung hindi mo iintindihing mabuti  ang totoong sitwasyon ay tila may saysay naman ang mga pagtuligsa ni Manoling.

Subalit kung pag-iisipang mabuti ay maliwanag na personal ang kanyang motibo at hindi naman niya talaga ipinagtatanggol ang karapatan ng mga apektadong bata.

Hindi kasi lingid sa lahat ang banggaan nina Juico at Morato dahil sa pagnanais ng una na ipaliwanag ni Morato kung saan na napunta ang kaduda-dudang milyon-milyong pisong halaga ng donasyon na ibinigay nito sa Philippine Tuberculosis Society Inc. at iba pang mga maanomalyang transaksyon na kinasasangkutan nito noong panahon na siya pa ang namumuno sa  ahensiya.

Pero sino nga ba si Manoling? Mayroon ba siyang karapatang manumbat at palitawin na isa siyang mabuting tao na ang adhikain ay para tumulong sa mga kapus-palad? Wala di po ba?

Kung matatandaan natin ay ilang beses na ring nasabit sa kontrobersiya itong si Manoling gaya ng sampahan siya ng kaso ni Carlito Mirando Jr., ng Dingalan,  Aurora.

Bagama’t nanalo siya ng jackpot prize sa Lotto na P120,163,123.00 ang tinayaang kumbinasyon na 15-22-23-24-34-36 noong Marso,1996 ay nananatili pa rin siyang mahirap. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply