LPG 2 beses magtataas ng presyo sa Disyembre

DUSA sa mga Pilipino ang isinasagawang pagtataas ng liquefied petroleum gas na madaragdagan pa ng P3/ kilo o P33 per 11-kg LPG tank sa Miyerkules.

Inanunsyo rin ng LPG Marketers Association (LPGMA) na magkakaroon pa ito ng second price hike na P2/kilo o P22 per 11-kg tank sa susunod na mga araw ng Disyembre.

“Ang presyo sa international market tumaas ng $102, so ito ay equivalent sa around P5 per kilo sa ating local price. Sa ngayon ang advice ng supplier namin ay dapat magkakaroon ng staggered increases. So by Dec. 1 magkakaroon ng P3/kilo na pagtaaas,” ayon kay LPGMA party list Rep. Arnel ssa panayam sa dzBB.

Sinabi pa ni Ty na magkakaroon sila ng pagtaas ng P3/kilo na magiging epektibo sa Miyerkules, Dec. 1, habang hindi naman masabi kung kailan ang magiging pangalawang pagtaas na isasagawa sa Disyembre.

Posible rin naman umano itong bumaba sa Enero 2011.

“Pagdating ng January malaki ang posibilidad na bumaba ang presyo,” dagdag pa ni Ty.
Sa ngayon umano, wala silang magagawwa kundi ang itaas ang presyo dahil sa inaangkat lamang  nila ang kanilang produkto.

“We import all our LPG and if prices rise in the international market we cannot do anything about it,” dagdag pa nito.

“Ang aming payo makapagtipid sila sa paggamit, yan na lang ang ating magagawa.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply