LPG dinahilan sa pagtaas ng tinapay

WALA pa mang naipakikitang pruweba ang  mga panadero sa kanilang maagang pamasko sa publiko na hindi magtataas ang presyo ng kanilang tinapay hanggang Disyembre, nagsimula nang tumaas ang presyo ng tasty at pandesal ng ilang kilalang brand.

Idinahilan ng mga panadero na nagmahal na ang ilang sangkap tulad ng harina at asukal at inaasahan pang susundan ito dahil sa inaasahang pagtaas ng P3.00 kada kilo o P33.00  sa kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa susunod na buwan.

Batay sa talaan ng Department of Trade and Industry (DTI) P40.00 ang idinagdag sa kada sako ng harina habang P62.00 naman ang itinaas sa kada kilo ng puting asukal.

Pagtitiyak naman ng DTI na hindi pa naman lahat ng brands ay nagtaas ng kanilang presyo bagama’t hindi matiyak ng ahensya kung ito na ang huling pagtaas sa pagtatapos ng taon.

Matatandaan na nagsimula na ring magtaas ng kanialng produkto ang ilang bakery kasabay ng apela sa publiko na intindihin ang panibagong pasanin.

Samatala, ginarantiyahan naman ni Philippine Federation of Bakers Association, Inc. (PFBAI) na hindi na tataas ang presyo ng Pinoy Tasty bread ngayong panahon ng kapaskuhan hanggang matapos ang taon. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply