LTO Olongapo inutil sa kolorum na tricycle

Ang talamak na pangongolorum ng mga tricycle  sa Olongapo City na matagal ng inirereklamo ng mga ligal na tricycle na namamasada sa siyudad ang ating bibigyan ng daan.

Kasabay ito ng panawagan natin sa Land Transportation Office para maaksyunan ang mga reklamo.

Basahin natin ang reklamo sa text message.

Magandang araw sa inyo, Mr. Johnny Magalona at sa lahat ng mga tumatangkilik ng diaryong Remate.

Gusto kong idulog sa inyo ang talamak na pangongolorum ng tricycle dito sa amin sa Barangay Gordon Heights, Olongapo City. Kung magpasakay hanggang bubong. Di inaalintana ang disgrasya. Yung mga LTO at Traffic Enforcer dito ay mga walang pakialam. Kaming ligal ay wala nang kinikita sa ginagawa nila.

Pakikalampag na lang. More power and godbless!

ONE  STRIKE POLICY NI BACALZO PANIS

Sina Dante Alvarez at Vic Siman ang may hawak ng bookies ng STL sa Calamba  at Los Baños, Laguna.

Samantala si Edu Reyes  naman ang siyang may hawak ng bookies ng STL sa Cabuyao at Biñan, Laguna.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi yata kumikilos si Laguna PD Supt Gilbert Cruz sa kabila ng mahigpit na pagpapairal ni PNP chief Gen. Raul Bacalzo ng “one strike policy.”

Ano ba yan, Gen. Bacalzo, mukhang hindi natatakot sa inyo ang mga opisyal mo!!!

TRANSAKSYON SI PAPA MAYOR KAUSAP

Isang Allan Villegas ang ginagamit ngayon na pangalan ni Papa Mayor sa kanyang panghihingi ng timbre sa mga club at sa iba pang malalaking transaksyon sa QC.

Kung gusto ninyong makakuha ng malalaking pro-ject sa QC ay kailangang  may basbas ka ni Allan Villegas alyas Papa Mayor.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com.
Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply