M-bolts sasabak sa Beermen

TATANGKAING lagutin ng Meralco Bolts ang pagdausdos sa team standings sa PBA Philippine Cup sa pagharap sa nangingibabaw na San Miguel Beer sa Araneta Coliseum sa main game ng double header ngayong gabi.

Bumagsak ang Bolts ng makuha ang pang-apat na talo kontra Powerade Tigers, 66-81,  habang iginupo naman ng Beermen ang Derby Ace sa kabayanihan ni Alex Cabagnot na kumana ng isang winning reverse layup matapos malusutan sina Roger Yap at Rico Maierhofer may 14.7 segundo sa orasan at tabla sa 83 ang magkalaban.
Natapos ang final quarter na 85-83 pabor sa Beermen.

Sa opening game, palalakasin ng Powerade Tigers ang posisyon (3-3) kontra sa Air21 Express (6-3) sa pagparada ni coach Bo Perasol sa mga pambato niyang sina Gary David, Mark Macapagal, Norman Gonzales, Dennis Espino at Paulo Mendoza laban kina Ronjay Buenafe, top draftee Severino Baclao, Rabe Al-Husaini, Carlo Sharma at nagbabalik na si Wynne Arboleda. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply