Mag-ama tinarakan

PATAWIRIN ang buhay ng isang lalaki habang malubha ding nasugatan ang tatay nito makaraang pagsasaksakin ng nakaalitan sa Quezon City.

Kinilala ni Marcelino Pedroso ang dalawang biktima na itinakbo sa East Avenue Medical Center na sina Dominado Nador, 46, at Rico Nador, 26, kapwa nakatira sa Road 1, Brgy., Minuyan, Sapang Palay, Bulacan.

Kaagad na tumakas ang suspek na si Rommel Alliego, mula 28 hanggang 30 ang edad, nakatira sa Saint Vincent, Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO3 Alden Lasam, naganap ang insidente dakong alas-kwatro ng hapon sa Commonwealth Ave., malapit sa bahay ng suspek.

Dahil sa ginawang pananakit ng suspek kay Rico ay tinungo ni Dominador ang tahanan ng una upang komprontahin hinggil sa nangyari.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang bintang ni Rico na binugbog niya ito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, hindi nagtagal ay mainitan nang nagtatalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng patalim si Alliego at sinaksak si Dominado. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply