Mag-ingat sa pagbili ng ‘bargains’ –Sen. Bong Revilla

PANAHON ng Kapaskuhan, panahon din ng sunog.  Hindi na ito bago sa atin dahil ilang taon na nating nasusubaybayan na mas malimit ang pagkakaroon ng sunog kung kailan papalapit na o panahon ng pagsasaya.

Walang sinisino ang sunog.  Maging sino ka man, bata o matanda, gaano man kalaki ang  iyong mga pinaghirapan sa buhay.  Mayaman, mahirap ay hindi ligtas kapag dumating sa hindi natin inaasahan.

Maging ang mga bahay na yari sa bato o kongkereto ay nasusunog din.

Magugunita na namatay sa sunog ang anak na babae nina  dating Congressman Jose at Manay Gina de Venecia.  Nagmula ang sunog sa Christmas lights nang walang nakapansin.  Huli na nang malaman nila na hindi pala nakaligtas ang kanilang anak.

Ilang araw na lamang ay sasapit na ang Kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.  Ngayon pa lang ay halos abala na ang mga tao sa kani-kanilang pagdedekorasyon sa loob at labas ng bahay bilang pakikiisa sa Pasko.

Para sa marami, hindi kumpleto ang Kapaskuhan kung walang Chrismas tree o Christmas lights na sumisimbulo sa araw na ito.

Pero dapat nating isalang-alang sa pagbili at pagpili ng mga gagami-ting christmas lights at christmas trees ang dekalidad na klase.  Dahil batid natin na kadalasang pinagmumulan ng sunog ang ’sub-standard’ na uri nito.   Sa kagustuhang makatipid kasabay ng pakikisa sa Kapaskuhan, sumusugal ang marami na bumili ng mga mumurahin.

Sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre, paulit-ulit na ang paalala sa radyo, telebisyon at mga babasahin ng mga ahensiya ng gobyerno na ma-ging maingat sa pagpili at pagbili ng Christmas lights at Christmas trees.

Ilang buhay na ba ang nawala, mga ari-arian na naabo at mga na-pinsala ang katawan ng dahil sa sunog dulot ng mga mumurahing mga gamit na ito?  Hihintayin pa ba nating maulit ang ganitong mga pangyayari sa taong ito bago pa tayo magising sa katotohanan?

Halos 32 araw na lamang bago mag-Pasko. Kinalampag na ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) para paigtingin nito ang mga hakbang laban sa mga dispalinghadong produktong maaaring ibenta sa mga bangketa at malls sa buong bansa sa bagsak-presyong halaga o “bargain” ika nga.

Ayon sa senador, hindi sapat na abisuhan lang ng DTI ang publiko na huwag tangkilikin ang mga produktong walang Philippine Standard (PS) o Import Commodity Clearance (ICC) mark. Ang mga PS and ICC marks ay nilalagay sa mga kritikal na produkto gaya ng Christmas lights, home appliances, LPG cylinders, electrical at electronic devices, kawad at kable, fire extinguishers, posporo at lighters upang maging madali sa mga mamimili na matukoy ang mga ligtas at maaasahang produkto. “Ang panahon ng Kapaskuhan ay panahon din ng sunog.

Dapat tayong magbantay laban sa mga sub-standard products na  on sale pero puwedeng maging mitsa ng mga sunog,” giit ni Revilla.

Pinaalala pa niya na isinisi sa mga substandard Christmas lights, na madaling mag-overheat at mag-short-circuit, ang   ilang sunog noong mga nagdaang Kapaskuhan.

“Sa pagbili ng mga produkto para sa perso-nal na gamit man o pangregalo, dapat tiyakin ng mga mamimili na abot ng mga produktong kanilang bibilhin ang   mga quality standards na ipinataw ng gobyerno. Maaaring makatipid sila sa pagbili ng mga murang produkto pero nilalagay naman nila sa alanganin ang kanilang kaligtasan at kalusugan, “ ani Bong Revilla.

Binigyang-diin niyang dapat na pangalagaan ng DTI ang mga Christmas shoppers sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi aabot sa pamilihan ang mga sub-standard Christmas bargains. “Dapat doble ang pagpursige ng DTI sa paglulunsad ng magkakasunod na raid sa mga warehouses, malls at lokal na pamilihan na napag-alamanang nag-iimbak at nagbebenta ng mga sub-standard products na maaring makasira sa kalusugan at ari-arian, ” anang mambabatas.

Iginiit niya sa DTI at sa Bureau of Products Standards (BPS), na paigtingin ang information campaign upang bigyang-babala ang mga konsyumer laban sa pagbili ng mga sub-standard products. Pinayuhan din niya ng mga mamimili na maging metikoloso hindi lamang sa presyo kundi maging sa kalidad ng mga produktong kanilang bibilhin ngayong Yuletide season. “Magandang investment ang pagbili ng mga produktong tumatagal.

Ang isang dissemination campaign laban sa mga sub-standard products ay magpapaalala sa publiko na ang tamang pamimili ay pagpili ng de-kalidad na produkto,” anang mambabatas.

Bukod sa mga electrical at electronic products, nagbabala rin ang mambabatas laban sa mga laruang maaaring nakasasama sa kalusugan, partikular na iyong may halo ng lead o tingga. “Dapat mag-ingat ang mga konsyumer. Ang mga bagsak-presyo na mga laruan maaaring perwisyo naman sa kalusugan ng kanilang mga anak, “ sabi pa niya.

Sa pananaliksik ng tanggapan ni Revilla, nabatid nito mula sa health experts na nagreresulta ng pagsusuka, diarrhea,  kombulsyon, coma o maging kamatayan ang maikling exposure sa mataas na level ng lead. Kahit maliit na sangkap ng tingga ay nakasasama, lalo na sa mga sanggol, bata at buntis.Ang sintomas sa matagalang exposure sa mababang level ng lead ay hindi gaanong mapapansin ngunit nanatiling malubha.
Karaniwan na ang anemia at pagkasira ng nervous system na makakawasak ng mental function. Iba pang sintomas ay kinabibilangan ng pagkawala ng ganang kumain, pagsa-kit ng tiyan, constipation, fatigue, hindi pagkakatulog, pagiging iritable at sakit ng ulo. Ang patuloy na exposure ay makakaapekto sa bato.

Kaya, mga kapamilya, kapuso, kapatid… wala nang mas ma-kabubuti ngayong Kapaskuhan kundi ang mag-ingat tayong lahat.  Magsaya pero maging maingat!

SANTO PAPA LUMAMBOT SA ISYU NG CONDOM

IKINATUWA ng ilang mamababatas sa Mataas na Kapulungan kaugnay  sa pagbabago ng posisyon ni Pope Benedict XVI sa paggamit ng condom para mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na HIV/AIDS.

Ayon kay Sen. Pia Cayetano,  isang magandang development ang pahayag ng Santo Papa at may malaking ‘impact’ sa kampanya ng pamahalaan  kontra sa HIV/AIDS  sa bansa.

Kinatigan  ni Cayetano, chairperson, Senate committee on health, tama ang Santo Papa na maiiwasan ang pagkalat ng AIDS at iba pang ‘sexually transmitted diseases’ kung gagamit ng condom.

“The Pope’s statement has far-reaching effects because it is not only HIV/AIDS that could be prevented with the responsible use of condoms, but also other deadly and highly communicable diseases that are transmitted sexually. These include the human papillomavirus (HPV), a sexually transmitted virus known to cause cervical cancer, and the Hepatitis B Virus (HBV), which can also be transmitted through sexual contact,” ani Cayetano.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health, umaabot sa 5,625 cases ang nagkaroon ng HIV  mula 1984 hanggang ngayong taon at nasa 852 cases ang positibo na may HIV.

“Being at the forefront of the campaign on HIV/AIDS awareness and prevention, the DOH should be allowed to implement its programs to address rising HIV/AIDS cases in the last two decades.”

Kaugnay nito, welcome din kay Sen. Juan Miguel Zubiri ang paninindigan ng Santo Papa na payagan ang paggamit ng condom para maiwasan ang pagdami ng populasyon at pagkalat ng mga STDs.

Pabor din aniya ito sa babae para magkaroon ng agwat ang kanyang pagbubuntis at mapa-ngalagaan ang kanyang reproductive health.

Pero duda naman si Sen.  Francis ‘Chiz’ Escudero sa biglaang pagbabago ng paninindigan ng Santo Papa dahil magkakaiba ng interpretasyon sa naging pahayag nito at gusto pa nyang maliwanagan nang husto hinggil dito.

Ayon kay Escudero, nananatili ang kanyang pananaw na dapat maghanda ang mag-asawa sa pagpaplano ng kanilang pamilya.   Linda Bohol/ Photo by: Rudy Rabulan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply