Mag-pinsan binoga sa Kyusi

Tumagos ang punglo sa paa ng isang lalaki habang nasugatan naman ang pinsan nito makaraang barilin ng kumursunada sa mga ito, sa Quezon City.

Ang mga biktima ay itinakbo sa East Avenue Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan, na  nakilalang sina Geofrey Singson ,30 anyos ,walang trabaho, 40, at Ralf Singson, 20, kapwa nakatira sa 28 Cherry Blossom st., Brgy., Payatas A, ng nasabing lugar.

Ayon kay PO3 Aldin Lasam, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw, malapit sa bahay ng mga biktima.

Nabatid na habang nag-iinuman ang mag-pinsan ay biglang sumulpot mula sa likuran ang suspek.

Nang makalapit sa mga biktima ay sinurot pa ang dalawa sabay bumunot ng baril.

Dahil dito, ikinagulat nina Geofrey at Ralf  ang panggugulo ng suspek at nang bumunot ng baril ay tinangka nilang umiwas sa tiyak na kamatayan.

Hindi na nagawang umiwas ng mga biktima dahil agad na pinaputok ng suspek ang baril na tumama sa kanang paa ni Geofrey at sinundan pa ng putok na masuwerteng dumaplis sa ulo ni Ralf bago tumakas palayo sa lugar.

Gayun pa man, hindi nasiraan ng loob si Ralf sa tinamong daplis na tama ng bala sa ulo kaya agad niyang sinundan ang suspek hanggang sa mapuna siya ng mga residente.

Dito nagawang humingi ng saklolo ng biktimang si Ralf na nag-resulta sa pagkaaresto sa suspek.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 na paltik na gawang Danao, isang live bullet at apat na basyo ng bala. (James de Jesus)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply