Magic hinalibas ang Heat

NABIGO sa kamay ng Orlando Magic ang Miami Heat sa iskor na 104-95.

Sa pamamagitan ng 24 puntos ni Dwight Howard at 18 ni J.J. Redick ay naigawad sa Heat ang ikatlong sunod na talo ng grupo.

Kumana naman si Joe Johnson ng 21 points habang si Josh Smith ay nagdagdag ng 20 sa panalo ng Atlanta Hawks laban sa Washington Wizards 116-96.

Dinurog naman ng San Antonio Spurs ang Minnesota Timberwolves sa iskor na 113-109 sa overtime.

Si Manu Ginobili ay kumamada ng 26 points dahilan upang maitala ang kanilang  12th straight victory.

Kasabay nito, malungkot ngayon si Hamed Haddadi ng Memphis Grizzlies matapos itong kasuhan ng girlfriend ng assault makaraan ang pagtatalo nila nitong nakaraang araw.

Ayon sa Memphis police, nakita nila ang nobya nito na maraming pasa sa katawan habang may kalmot naman ang atleta.

Alam na umano ni Grizzlies general manager Chris Wallace ang pangyayari ngunit wala pa silang statement ukol dito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply