Magnanakaw binoga, patay

Namatay ang isang magnanakaw makaraang barilin nang malapitan sa isang eskinita sa Sitio Puting Bato, Northbay Boulevard South, Navotas City,

Ang nasawi at paupong nakasandal sa pader  sanhi ng tama ng bala sa kaliwang tainga ay nakilalang si Arjay Delino Tanao, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.

Kaagad na ipinag-utos ni Supt. Bernard Tambaoan na tugisin ang hindi nakilalang salarin na pinaniniwalaang tagaroon din sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni  P01 Allan Bangayan, ganap na alas-6:30 kahapon ng umaga, nang maganap ang krimen sa 688 E Quesing st., kanto ng Evangelista st.

Sa pagsisiyat ng pulisya, lumalabas na si Arjay ay may kasong panghoholdap sa iba’t ibang lugar. (Roger Panizal)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply