Magnanakaw ng “bangkay”, 12 taong kulong

NAIS  ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na patawan ng hanggang 12 taong pagkakakulong ang sinumang mapatutunayan na nagnakaw ng bangkay o anumang bagay sa loob ng sementeryo na may kinalaman sa nailibing.

Ayon kay Santiago, kailangan magkaroon ng hiwalay na batas sa Revised Penal Code sa lahat ng uri ng pagnanakaw sa loob ng sementeryo, monumento  at libingan  bilang paggalang ng estado sa mga namayapa.

“The law needs to be more specific when it comes to robbery and desecration of graves. The damage done by grave robbers is immeasurable as it not only dishonors the deceased, it also causes anguish to those who survived them,” ayon kay Santiago.

Tinukoy ng Senate Bill NO. 1689 ang kasong grave robbery na kumukuha ng lahat o bahagi man ng puntod, kabaong, monumento, lapida o lahat ng bahagi ng commemorative, decorative at iba pang cemetery-related article o nagawa sa loob ng sementeryo, libingin at burial grounds.

Naihain na ang naturang panukala noong 13th Congress.

Tinukoy ni Santiago ang kaso sa US na napatunayan ng korte na  “the gravamen of an action for desecration of a grave is the mental suffering caused by the disturbance of a loved one’s final resting place.”

Kikilalanin din ang panukala bilang  Anti-Grave Robbers Act, layunin ng batas na itaas ang parusa sa lahat ng nagnanakaw ng bangkay o  bagay sa loob ng libingan mula sa anim na taon hanggang 12 taong pagkakakulong.

“The proposed law empowers law enforcement authorities to go after thieves who steal artifacts and corpses from ancestral graves and burial grounds of indigenous peoples to be sold to collectors, like the reported theft of skeletal remains in Mangyan burial caves last August,” ayon kay Santiago. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply