Magsasaka natagpuang patay sa harapan ng DAR

HINDI na nakamit ng isang magsasaka ang kanyang minimithi at ipinaglalaban makaraang bawian ng kanyang buhay habang natutulog sa harapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City kung saan ito nagsasagawa ng piket.

Hindi na nagising si Rogelio Salva, 61, magsasaka ng Hacienda Bacal, Negros Occidental, umaga ng Huwebes.

Nadiskubre ng kasamahan sa pagpipiket si Salva na nakahiga pa sa folding bed bandang 6 a.m. ngunit naghinala na ito nang hindi na nakikitang kumikilos ang matanda.

Napag-alamang simula pa noong Setyembre 27 ngayon taon sinimulan ni Salva ang pagpipiket sa harapan ng DAR main office sa Elliptical Road, Quezon City upang mapilitan ang mga opisyal na mag-issue ng certificate of land ownership award (CLOA).

Nabatid pa sa report na nakatakda sanang magkaroon ng pag-uusap sa gitna ng DAR official at ni Salva hinggil sa hinihiling na CLOA ngayong araw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply