Maguindanao massacre 1 taon na; pamilya ng mga biktima, wala pa ring hustisya

PATULOY pa ring humihingi ng katarungan ang pamilya ng mga pinaslang sa Maguindanao massacre na karamihan ay mamamahayag, may isang taon na ang nakararaan.

Kabilang na rito si Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu, na kasama ang misis na si Jennalyn sa brutal na pinaslang noong Nobyembre 23, 2009 habang nasa convoy para maghain ng certificate of candidacy (CoC) ni Mangudadatu na noon ay Vice-Mayor sa bayan ng Buluan.

Base sa panayaman ng DZMM, sinabi ni Mangudadatu na  hanggang ngayon ay naghahanap pa rin sila ng hustisya kung saan hindi pa man lang nababasahan ng sakdal ang mga suspek na si Andal Ampatuan Sr. at mga anak nito, maliban kay Andal Ampatuan Jr.

Hindi pa rin aniya maiwasang hanap-hanapin ng kaniyang mga anak ang kanilang ina lalo na ang mga paslit na kapag nag-iiyakan ay ang kanilang “mama” ang tinatawag.

Umapela ang gobernador kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mabilisang pag-usad ng kaso upang makamit nila ang hustisya sa pagkamatay ng mga biktima ng Maguindanao massacre.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply