Maja Salvador, kinaiinggitan ng ibang artista

PINAGBUBUTIHAN naman talaga ni Maja Salvador at dahil  masipag siya sa kanyang pagiging artista, kaya hindi nakapagtataka kung kainggitan man siya ngayon ng ibang artista sa Kapamilya network, dahil ang dami-dami niyang proyekto.

Hitsurang hindi na talaga siya nagpapahinga, lalo pa’t puro pambida na ang mga teleseryeng ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.  Tsaka, bongga na rin siya, dahil dalagang-dalaga na ang kanyang hitsura, kaya naman kapani-paniwala na nga siya gumanap sa maraming mapaghamong papel sa telebisyon.

Tuloy-tuloy lang talaga si Maja sa kanyang kasikatan.  Kasi nga, ang susunod niyang project ay kasama na siya sa pelikula ng Comedy King na si Mang Dolphy, ang “Father Jejemon” na kasali pa sa darating na Metro Manila Film Festival-Philippines sa December.  Ano ka?  Napakarami kayang mga kabataang artista sa showbiz na nangangarap makasama sa movie ang Hari ng Komedya.  Pero hayan na nga, kay Maja napunta ang nasabing suwerte.

Dahil na rin sa kaseryosohan ni Maja sa kanyang movie career, ay hindi naman niya feel na pag-usapan ng dibdiban ang tungkol sa kanyang lovelife.  Kasi nga, napakarami niyang manliligaw sa ngayon, at ine-enjoy lang muna niya ang mga nangyayari, habang mas nage-enjoy siya sa patuloy na bumobongga niyang career, ‘di ba naman?  Hayan nga, kapag inili-link siya sa diumano’y manliligaw niyang si Matteo Guidicelli, ay parang wala siyang ganang mag-react.  Hay, naku!  Ang yours truly ay hindi nagtataka.  Bakit ‘kanyo?  Eh, tapos na kasi ang pinagtambalan nilang “Inday, Inday Sa Balitaw” ng “Wansapanataym” ng Dos, kaya may dapat pa bang pag-usapan?

DEREK RAMSAY, WA NA KEBER SA ISYU NG GF NA SI ANGELICA

DAHIL mabait na tao si Derek Ramsay, hindi man niya pinapangunahan ang kanyang karelasyong si Angelica Panganiban, ay nagwi-wish siya na sana, sa darating na mga araw ay makabati na ng young actress si Claudine Barretto.  Siya ang unang magiging masaya, dahil ayaw niyang mayroong kaalitan ang kanyang kasintahan.  Naging napakasaya kasi niya nang sina Angelica at Gretchen Barretto na kasama niya sa teleseryeng “Magkaribal” ay humantong sa pagbabati, at ngayon ay masasabing magkaibigan na talaga ang dalawang magandang aktres.

Happy nga si Derek, dahil nagkaroon ng magandang resulta ang pagbabati nina Angelica at Gretchen.  ‘Di kasi nga, napansin na ang dalawang magandang aktres ng showbiz, ay bagay din palang magkasama sa isang proyekto.  Hayan na nga, dahil ipinangangalandakan na ngayon na ang susunod nilang bonggang teleserye na pasisimulan sa papasok na taon, ay pagsasamahan na nina Angelica at Gretchen, kaya inaasahan nang lalo pang magiging malalalim ang kanilang pagkakaibigan kapag nagsimula na ang taping ng kanilang teleserye.

Tinatawanan na lang ni Derek ang ilang ulit na pagkalat ng balita, na diumano’y binuntis na niya si Angelica.  Wala raw naman iyong katotohanan, lalo pa’t pareho silang abala ngayon sa kanilang mga karera.

Pero dahil nasa tamang edad na rin ang guwapong actor para siya lumagay sa tahimik, ay nagpahayag na rin siya, na ready na rin siyang maging daddy kung talagang hinihingi na ng pagkakataon.  Mahilig daw ang kanilang pamilya sa mga bata, kaya maraming anak din daw ang gusto niya kapag bumuo na sila ni Angelica ng sarili nilang pamilya. Melchor M. Bautista

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply