Mala-sardinas na classrooms lalo pang sisikip sa 2011

LALO pang sisikip ang mala-sardinas na mga classroom sa bansa sa susunod na school year. Ito ay dahil sa kawalan ng kakayahan ng Department of Education (DepEd) na sapat na tugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.

Ito ang nabatid ni Sen. Francis Escudero habang isinasagawa ang budget deliberations sa Senado nitong Miyerkules.

Natuklasan ni Escudero na aabot lamang sa 14,000 silid-aralan ang maitatayo ng DepEd sa susunod na taon.

Kulang na kulang ito sa kinakailangang 170,000 silid-aralan sa 2011 upang maibsan ang problema sa overcrowded classrooms sa bansa.

“Walang katapusan, at habambuhay na tayo sa ganitong sitwasyon dahil hindi kayang tugunan ng DepEd ang pangangailangan sa paglikha ng silid-aralan,” ani Escudero,.

“This is just a moving target. That is what we lack as of today, as probably yearend 2010. By end-2011, we would be needing more classrooms. I want to know if by the end of next year DepEd already has a computation as to the amount of classrooms additionally needed,” ani Escudero.

Base sa pag-aaral ng DepEd, aabot sa 266,000 ang kakailanganing classrooms hanggang 2016.

“Cumulatively, we can compound the additional classroom requirement we have by about three percent to as high as about 10 percent for the next five years,” ani Escudero.

Iminungkahi ng DepEd na buksan sa public-private partnership project ang pagtatayo ng silid-aralan upang matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan sa mga susunod na school year.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply