Malabon at Navotas mawawalan ng tubig

MULING mawawalan ng supply ng tubig ang Malabon at Navotas sa darating na Martes at Miyerkules.

Ayon sa advisory ng Maynilad, mawawalan ng tubig sa mga naturang lugar bunsod ng pag-aayos ng mga tubo sa Malabon City.

Magsisimulang mawalan ng tubig ang naturang lugar bandang 8 p.m. ng Martes hanggang 8 a.m. ng Miyerkules. Aayusin ang interconnection ng 300-mm pipeline sa kahabaan ng Tanza Bridge, Women’s Club, sa Malabon City.

Maaapektuhan ang mga Barangay Hulong Duhat, Barangay Bayan-Bayanan, Barangay Dampalit, Barangay Flores, Barangay Baritan sa Malabon habang apektado ang Barangay Tanza sa Navotas.

Maaari ring tumawag sa Maynilad Hotline na may numerong 1626 para sa mga karagdagang impormasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply