Malabon at Navotas mawawalan ng tubig

MAWAWALAN ng supply ng tubig ang parte ng Malabon at Navotas sa darating na Lunes at Martes.

Ito ay ayon sa water concessionaire Maynilad Water.

Ayon sa Maynilad mawawalan ng supply ng tubig ang naturang lugar bandang 8:00p.m. sa Lunes (Nov. 15) hanggang 8:00 a.m. ng Martes (Nov. 16), dahil sa interconnection ng 300-mm pipeline sa Tanza Bridge sa Malabon City.

“This project will temporarily affect water service in  areas in Malabon and Navotas,” ayon sa inilathalang advisory sa website ng Maynilad.

Maaapektuhan ang mga lugar ng Malabon City sa Barangay Hulong Duhat, Barangay Bayan-Bayanan, Barangay Dampalit,  Barangay Flores, Barangay Baritan. Habang apektado rin ang Barangay Tanza sa Navotas City.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga residente ng naturang lugar na mag-imbak na ng sapat na supply para sa mga oras na mawawalan ng tubig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply