Male athletes sisipain sa Asiad

MISTULANG ipinahiwatig ng Philippine Tennis Association na isusuka na nito sa susunod na taon ang kanilang mga lalaking atleta matapos sabihin na
bubuo sila ng all-women team.

Ang Philippine tennis team na lalaban sa Asian Games sa Guangzhou, China ay all-male squad.

Ayon kay Oscar Hilado, chairman of the board ng asosasyon, pinapanday na nila ang mga atletang isasabak nila sa Asiad events.

“I think we can develop future lady players who will represent the country in the Asian Games,” pahayag ni Hilado. “That would be four years from now, so I believe we still have time.”

Ang PH netters na lalaro sa quadrennial meet ay kabibilangan nina veteran Davis Cuppers at former Southeast Asian Games gold medalists Cecil Mamiit at Johnny Arcilla, Fil-Am Treat Huey, at US-based Pinoy Ruben Gonzales.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply