Maligayang pagtatapos

AANHIN mo ang isang matagumpay na propesyon kung hindi mo naiintindihan ang salitang respeto sa sarili, kapwa, at higit sa lahat sa mga magulang.

Mahalaga ang tinatawag na ‘values formation’ o paghubog sa pag-uugali ng isang mag-aaral sa simula pa lamang hanggang sa makatapos para magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng ‘employer at employees.’

Naging madamdamim ang pagtatapos ng first batch ng 23 dental aides at 18 garment sewers kamakailan sa ilalim ng Tzu Chi Foundation Philippines (TCFP), isang pribadong organisasyon na nagsimula sa Taiwan.

Sila ang mga kabataang mula sa Marikina na ang mga pamilya ay biktima ng bagyong Ondoy nitong 2009 na nawalan ng tahanan, kabuhayan at ilang mga mahal sa buhay.

Dahil sa masaklap na sinapit dulot ng kalamidad, halos nawalan na ng pag-asa ang kanilang mga magulang na makaaahon pa mula sa pagkakasadlak sa ganitong uri ng matinding pagsubok sa buhay.

Pero, sabi nga, kung may unos, may liwanag din na kasunod.  Hindi matawaran ang kanilang pasasalamat sa volunteers ng TCFP sa pagsaklolo nito sa mga biktima ng Ondoy.  Mula sa paglilinis sa kanilang mga lugar, muling pagtatayo ng kanilang mga bahay at tuluyang pagsisimula sa panibagong buhay.

LIVELIHOOD PROGRAMS

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pag-ayuda ng TCFP sa Marikina. Nagtatag ang foundation ng livelihood program para sa mga kabataang biktima ng Ondoy. Ito’y  para may pagkaabalahan sila sa halip na tumambay at kumita sa hinaharap.

Ayon kay Dr. Drenan Uy, dental staff ng TCFP, ilan taon nang nagsasagawa ng dental mission ang TCFP sa mga mahihirap na lugar sa mga barangay na nagsimula sa pagbubunot ng ngipin.  “Umiikot kami sa mga mahihirap na barangay para magbigay ng libreng pagbubunot at paglilinis ng ngipin.”

Dahil lumalawak ang kanilang misyon, pinangarap ni Dr. Chong Lai Chung,  dentist at kasapi ng TCF/head, Dental Department, Metropolitan Hospital, na magtatag ng detal auxillary course.  Magsanay ng dental aides para maging katulong ng mga dentista sa kanilang medical missions dahil walang paaralan na nag-aalok ng pormal na kurso para sa dental aides.

Ayon kay Alfredo Li, Executive Officer ng Tzu Chi Foundation Philippines na si Dr. Chung ang nagpalawak ng mga serbisyo ng dental services ng organisasyon.

“To train of dental aides is my dream. This is a partial accomplishment and I am very happy that they (trainees) successfully finished their training,” ayon kay Dr. Chung.

Naniniwala din si Master Cheng Yen, founder ng Tzu Chi Foundation na nakabase sa Taiwan na ‘helping others is helping yourself.’

Sa mensahe ni Dr. Chung, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagiging matapat sa kanilang propesyon. “Be honest to yourself.  The success of a dentist relays on you for the  dental aid.  The life of a patient will be deputized if you don’t clean well the equipments needed by dentists.”

“Being honest to your work will bring success to your life.  Whenever there is a difficulty, there is a way to solve it,” diin pa ni Dr. Chung.

Pero dahil walang dentista na gustong magkaroon ng lalaking dental aide, sasanayin na muna sila sa pagiging dental salesman ayon naman kay Alfredo Li, Chief Executive Officer, Tzu Chi Foundation Philippines.

Hindi rin matawaran ang labis na pasasalamat ng mga magulang na nagtapos sa ‘garment sewing’ matapos na makita ang mga projects o ‘finish products ng kanilang mga anak.

“Hindi ko akalaing makapag-aaral pa ang aking anak na si Cristy, 18.  Salamat sa TCFP dahil makatutulong na siya sa aming pamilya kapag nagka-trabaho,” naiiyak na pahayag ni Gng. Cristy Fernandez, 57, ng Balubad, Marikina City.  “Mula nang bumagyo, hanggang sa magkasakit ang asawa ko at mamatay, hindi kayo (TCF) nagsawa sa pagtulong sa amin.”

“WE HAVE GIVEN YOU THE LIGHT”

Bilang isang retired teacher (kasapi ng TCFP), isa si teacher Regina So na nagtiyaga at humubog sa pagkatao ng bawat mag-aaral ng mga naturang kurso sa loob ng apat na buwan.

“We have given you a light.  We hope that someday, you can come back to us and tell us what you have done with the light we’ve given you.”

Ito naman ang mensahe ni teacher Regina sa kaniyang mga mag-aaral sa ginanap na pagtatapos sa Tzu Chi Great Love Campus, Bacood, Sta. Mesa Manila noong Oktubre 30, 2010.

Sinaksihan ng mga piling panauhin ang pagtatapos sa magandang kasaysayan ng pag-ibig at pagtitiis ng bawat indibiduwal na sangkot sa proyektong ito mula sa teachers, facilitators at mag-aaral.  “This was made possible by the untiring efforts of teachers, volunteers as they never gave up on these trainees. They gave their time and efforts to teach them, and mind you, they were not easy to teach.”

Hindi rin siya makapaniwala na mababago ang pag-uugali at pagkatao ng bawat mag-aaral.  “If you had seen these trainees, when they were just starting their training, you would find dit hard to imagine that they could change, that they could ever learn new skills, much less new attitudes.  But that exactly what happened.  Skills are easy to learn but the values are difficult.”

“I myself am a teacher, so I know that sometimes the only reward for us teachers is the knowledge that we hold the future in our hands, and that by giving ourselves to our students, we become part of their future.”

Aniya, bawat isang trainee ay may karakter.  May mga magaspang ang pag-uugali, makasarili na nakapokus lamang kung paano makaraos sa araw-araw, at walang pakialam sa kapwa.

“But look at them now-so well mannered, appreciative of their blessings, so excited to take on the challenges of the future.  They are now confident young men and women equipped with new skills to help them earn a decent living.  And much more than that, they have changed their attitudes as they were exposed to the Tzu Chi culture of compassion and selflessness,” makahulugang pahayag ni teacher Regina.

PAGMAMAHAL SA MAGULANG

Isa ito sa aral na pinahahalagahan ng TCF.  Ang igalang at tumanaw ng utang na loob sa mga magulang na walang sawang gumagabay at tinitiis ang lahat para sa kapakanan ng mga anak.

Pinakatampok sa ginanap na pagtatapos ang paghuhugas ng paa ng mga magulang ng mga nagsitapos.  Hindi naman napigilan ang pagtulo ng mga luha ng mga guro, volunteers at magulang sa nasabing seremonya.

Ito’y bilang simbolo ng pasasalamat sa magulang sa kanilang mga paghihirap at panahon na para sila naman ang pagsilbihan sa loob ng maraming taon mula sa pagkapanganak.

“To purify the mind of the people, to harmonized society and to avoid disasters.”  Ito ang layunin ng organisasyon o misyon nito sa kanilang pakikisalamuha sa kapwa anuman ang estado sa buhay at relihiyon, ayon kay Mr. Li.  “Kung ganito ang pag-iisip ng tao, siguro wala nang gulo sa mundo,” dagdag pa nito.

PANGANGALAGA SA KALIKASAN

Bahagi din ng misyon ng TCF ang pangangalaga sa kalikasan.  Katunayan nito, hindi nag-aksaya ng panahon nitong nakalipas na halalan at agad na nagsagawa ng ‘clean-up drive’ sa Kamaynilaan maging sa mga probinsiya ng kanilang volunteers para linisin ang mga lugar na pinagdausan ng halalan.

Nangolekta ng mga bagay na pwede pang i-recycle gaya ng mga plastic, dyaryo, papel at iba pa.   Ang pinagbentahan nito ay atomatikong ido-donate sa foundation para magamit na pang-ayuda sa mga nangangailangan.

Sa paggunita din sa araw ng patay,  hindi rin pinalampas ng TCF ang clean up drive sa mga sementeryo upang makatulong sa pamahalaan na panatilihing malinis ang kapaligiran.

Patuloy din ang pagbibigay ng relief operations sa mga lugar na sinalalanta ng pinakahuling bagyong Juan sa bansa. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply