Poultry products iluluwas ng SMB

Nagpasiya kahapon ang Department of Agriculture (DA) na makipartner sa San Miguel Food Corporation (SMFC) upang mapalakas ang pagluluwas ng produktong pagkain sa ibang bansa kabilang ang karne ng manok.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, umaasa ang Aquino administration na malaki ang maitutulong ng SMFC upang resolbahin ang problema sa food security ng bansa.

Sinabi ni  Alcala na  malaki ang maitutulong ng SMFC sa pag-iexport ng livestock product na ang target market ay ang Indonesia.

Inirekomenda rin ng DA ahng SMFC na mag-export ng yakitori o grilled chicken sa Japan.

Batay sa report, nakapag-export na ang bansa ng aabot sa six million kilograms na manok noong 2009 pa lamang. (Nenet Villafania)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply