Margarito positibo sa droga

Ibinunyag kahapon ng kampo ni 8-time world champ Manny Pacquiao na gumamit umano ng ‘pulbos’ si Antonio Margarito kaya ganoon na lang ito kabagsik sa kanilang sagupaan sa Texas nitong Linggo.

Ayon kay Alex Ariza, nabalot ng kontrobersiya ang laban bago naganap dahil natuklasan ng kanilang kampo na lumagok si Margarito ng tubig na may ‘powder’ bago ito humarap kay Pacman.

Sinabi ni Ariza na isang kasapi ng Team Pacquiao ang nakatuklas nito dahilan upang kaagad silang magprotesta matapos ang bout.

Binanggit din ni Ariza na pagkatapos ng laban ay pinasuri agad nila si Margarito dahil sa posibilidad na paggamit ng performance enhancing drugs.

Kaya naman, inaasahan na ni Ariza na anumang araw mula ngayon ay parurusahan ng Texas Athletic Commission (TAC) si Margarito.

“It doesn’t matter if it’s gatorade or red bull. Water is the only beverage you’re allowed to drink” dagdag ni Ariza. “We could have actually walked out and not fight. But of course there would be a riot here. The fight had to go on”.

Tipikal na pinapayagan ang mga professional boxers na uminom ng tubig ilang oras bago ang boxing match. (Gilbert Perdez)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply