Marestella Torres magreretiro na

PINAPLANO na umano ni national athlete  Marestella Torres na magretiro ng maaga dahil sa masaklap niyang naging performance na naging sanhi ng pagkatalo niya sa long jump event sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Labis-labis umanong dinamdam ng 19-anyos na medalist ang nangyari sa kanya sa final round ng laro kung saan nagtamo siya ng injury na nakasira sa kanyang diskarte.

Masyado rin umanong na-disappoint ang atleta na ayon sa report, halos hindi ito ngayon makausap ng kanyang mga kasamahan at mga coaches.

“How did this happen? It’s very, very bad. I don’t know how to move on,” ayon kay Torres sa isang mensahe.

Si Torres na ipinanganak noong Pebrero 20, 1981 ay nagwagi ng tansong medalya sa 2002 Asian Championship.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply