Margarito binati na si Pacquiao sa kanyang pagkapanalo

NAGPAHATID na ng pagbati si  Antonio Margarito kayManny Pacquiao.

Ayon kay Margarito na nasa hospital sa Dallas, maituturing na ‘best boxer in the world’ si Pacquiao.

Nakatakdang sumailalim sa surgery si Margarito  bunsod nang tinamong fractured sa kanang mata nito.

“I gave it all I had, but unfortunately I was not able to get the victory over the best fighter in the world today,” ayon kay Margarito. “As I said before the fight I was never going to quit and tried to win this fight to the very last minute.”

Natapos ni Margarito  ang laban hanggang 12 rounds ngunit nagtamo ng matinding tama ang kanyang kanang mata at bugbog ang kanyang mukha.  Dinala sa hospital si Margarito matapos ang laban..

Plano ni Margarito na bumiyahe papuntang Los Angeles sa Miyerkules, at bumalik na sa Tijuana.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply