Margarito pagagapangin ni Pacman

Kapwa malakas ang kumpiyansa nina WBO welterweight champion Manny Pacquiao at dating three-time world champion Antonio Margarito sa kanilang panalo sa showdown sa darating na Linggo.

Ito ang naging eksena sa ginanap na final press conference  ng dalawang boksingero kahapon para sa kanilang pagsasagupa sa $1.2 billion na Cowboys Stadium sa Arlington, Dallas, Texas.

Hawak ang WBC super welterweight championship belt, ibinandera nina Pacquiao at Margarito ang magiging bagong titulo na paglalabanan nila sa Linggo.

Bago ito, kahapon ay uminit ang palitan ng maaanghang na pahayag ang kani-kanilang mga trainer.

Ito’y kaugnay sa public workout matapos na magbitaw ng pahayag ang trainer ni Margarito na si Garcia na hindi umano nila papayagang makuha ni Pacquiao ang kanyang pang-walong titulo sa magkakaibang dibisyon.

Nagsumikap umano sila at hindi nagpaka-politiko sa training at alam nilang magiging mainit ang laban sa Linggo subalit tinawanan lang ni Pacman ang
mga pahayag.

Pero hindi nagpatalo rito si Roach.

Ani Roach, mali ang ginagawang pagkakumpiyansa ng husto ng kampo ng Mexican-American boxer.

Sa tingin ni Roach kay Margarito, magiging zero-chance na manalo ito kontra kay Pacquiao.

Hirit naman ni assistant trainer Buboy Fernandez, pagdating umano sa ring ay pagagapangin ng Pinoy ring icon si Margarito.

Sa araw ng Sabado, gagawin ang final weigh-in kung saan ang weight limit ay 151 pounds. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply