Margarito tulog sa round 1

Mabigat na prediction ang inilabas kahapon ng mga sikat  na personalidad sa boksing at sinabing matatapos ang laban sa pagitan nina pound for pound king Manny “Pacman” Pacquiao at former 3-time world champion Antonio Margarito sa round 1 via knockout.

Isang matinding left hook umano ang tatapos sa career ni Margarito at siguradong magiging kahiya-hiya ito sa buong mundo dahil sa mararanasang 1st round KO.

Ayon sa ulat, nagpapadehado lang si Pacman sa pagsasabing may iniinda siyang injury upang kunwari ay may pag-asang manalo ang mas malaking si Margarito sa kanilang paghaharap sa Dallas Cowboy Stadium sa Linggo.

Pero ang totoo umano ay 100 percent itong handa sa kanilang laban dahil gusto niyang patunayan na masusungkit niya ang pang-walo niyang titulo sa iba’t ibang division.

Ang laban ay bilang paghahanda rin sa niluluto nilang laban ni Floyd Mayweather na magsisilbing huling pag-akyat sa ring ng pambasang kamao.

Una rito, winarningan na ni Pacman si Margarito na malabo siyang tamaan ng suntok ng Mehikano dahil sa medyo mabagal ito, at napakahirap umanong patamaan ang tulad niyang ubod ng bilis.

Upang patunayan na super handa na si Pacman, itinaya na ni Roach pati ang kanyang buhay sa laban ng Pinoy at sinabing pati bahay at anak niya, kung nagkaroon lang siya ng asawa, ay itataya rin niya sa laban.

Patunay ito ng kumpiyansa ang sikat ng trainer na mananalo si Pacman sa laban at patutulugin nito si Margarito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply