Mario O’ Hara, lalahok sa Cinemalaya 2011

NAKAUSAP namin recently si  direktor Mario O’Hara at nabanggit niya ang ilang impormasyon tungkol sa tiyak na niyang pagsali sa Cinemalaya 2011, sa Directors’ Showcase category.

We’re just too glad to know na isa uling historical drama tungkol sa buhay ng kilalang babaeng bayaning mula sa Ilocandia, na si Gabriela Silang, ang nakatakdang gawin ng multi-awarded writer-director.

Kakatapos lang daw nilang isulat ng pamangkin niya (Janice O’Hara, of the ABS-CBN writers’ pool) ang script ng Henerala at saka sisimulan ang ilang bagay ukol sa pre-production ng naturang indie film.

Inspired si Mario O’Hara sa bago niyang magiging indie project, dahil tulad ng Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio, ang Henerala ay para sa mga manonood na kabilang sa mga mag-aaral na Pilipino.  Kaya nais ng direktor na mapanood ito ng mas maraming mag-aaral, dahil mas napapadali ng pelikula, lalo’t matapat ito sa materyal, ang pag-aaral ng nauukol sa kasaysayan, sa mga subjects na tulad ng Philippine History, Sibika at Kultura, at iba pang kaugnay na aralin.

Wala pang prodyuser ang obra, pero tiniyak na ni direk O’Hara ang kanyang pagsali sa Cinemalaya 2011, matapos ang naturang pilian noong Agosto.

We heard na meron din uling entry si Joel Lamangan.  And direk Ellen Ongkeko-Marfil, possibly sa New Breed section, with Ralston Jover’s Nagmamahal, Iraq, na pagbibidahan nina Cherry Pie Picache at Alwyn Uytingco.

***

Ang tentative lead cast ni direk Mario O’Hara para sa kanyang Henerala ay pangungunahan ni Katherine Luna, bilang Gabriela Silang.  Si O’Hara ang unang direktor ni Katherine sa pinagbidahang Babae Sa Breakwater, noong 2004. Naging international best actress awardee agad si Katherine Luna dahil sa pelikulang iyon ni O’Hara.

Wala pang aktor na gaganap bilang Diego Silang, ang asawa ng Henerala na namuno rin ng rebolusyon laban sa mga Kastila, sa Ilocos province.  Gusto ni O’Hara si Jericho Rosales, kung hindi ito abala by next year (May, 2011).

Otherwise, puwedeng ibang aktor na babagay rin sa role; ang isa rito’y ang newcomer na si Rocky Salumbides, na napatunayang mahusay sa dalawang indie movies na tinampukan.

Ang iba pang indie actors na merong papel sa Henerala ay sina Dan Alvaro at Janvier Daily, bilang isang warrior.  Ang character actor na si Paolo O’Hara, who had an important role in Ang Paglilitis… might work this time as direk Mario’s AD (Assitant Director), although an acting part would also be possible.

****

Speaking of Paolo O’Hara, tampok siya sa  dulang El Filibusterismo ng Gantimpala Theater Foundation (with last performances at the AFP Theater on November 24, 10am and 2pm).

Ginampanan ni Paolo ang papel ni Kabesang Tales, isang major character ng El Fili na sumapi sa mga rebolusyunaryo matapos magdanas ng mga kaapihan mula sa mga namamahalang Kastila.  Parallel ang character niya sa bidang tauhang si Simoun, na ginampanan ni Roeder Camanag.

Ang dula, na mula sa nobela ni Dr. Jose Rizal, ay isinulat ni Jomar Fleras at dinirek ni Roobak Valle, para sa Gantimpala Theater Foundation.

Napanood namin ang El Filibusterismo nang mag-premiere ito sa Open Air Theater ng Rizal Park, before it was staged at the SM Southmall, then AFP Theater, sa magkakasunod na weekends.

Laging puno ng mga estudyante ang mga palabas ng GTF; bukod sa El Fili, dinumog din ang mga dulang Florante At Laura at Kanser (Noli Me Tangere) sa mga naturang venue.

“Magaling ang marketing ng Gantimpala,” pag-acknowledge ni Paolo, na tulad ng mga kasamahan niya ay masaya sa audience turnout ng mga dulang ginaganapan. Credit goes to the marketing staff of Gantimpala Theater Foundation, led by Mr. Jun Flavier Pablo, marketing director; and Ms. Glenda Paran-Agravante, marketing manager.

Kung ganito sana ka-epektibo ang pagma-market sa mga indie films, imagine a full week run ng pelikula, na laging full house at SRO pa, sa napakalalaking venues, tulad ng SM Southmall (na malaki nang kaunti ang capacity kaysa AFP Theater), tiyak na mas sisigla ang indie film community sa bansa.

‘Pag ganu’ng karami ang mga nanonood, masigla ang palabas, at masigla ang mga nagsisiganap.  “Basta umaarte ako, masaya ako!” nakangiting banggit din ni Paolo, na sa taong ito ay ilang dula ang tinampukan: Tatlong Mariya (ng Tanghalang Pilipino), Kanser (ng GTF), bilang Tinyente Guevarra, El Fili (ng GTF), Isang Araw Sa Karnabal; at ang dulang Matyag na kanyang dinirek, para sa Virgin Labfest 6 ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Bukod sa mga plays at pelikula (Ang Paglilitis… at cameo role in Laurice Guillen’s Sa ‘Yo Lamang) ay nasa teleseryes din si Paolo, tulad ng Noah sa ABS-CBN, na regular din siya ngayong napapanood. William Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply