Marian Rivera, muntik sabunutan ng kolehiyalang recording artist

MUNTIK na palang patulan na isang bago at mamahaling recording artist and world-class concert performer si Marian Rivera dahil sa kagaspangan ng ugaling ipinakita nito noong makita niya ito sa Boracay.

Hindi lang basta-basta performer and muntik nang makabangga ni Marian dahil ang musical background nito ay hindi mo puwedeng tawaran o taasan ng kilay.

Well, she was a member of Bayanihan Dance Troupe(1989), a former vocalist of a famous band in New York City, the Inner Circle Band (1993-1995) and last during 2004 to 2005 naging lead vocalist naman ng Amadeus Band dito sa ating bansa.

Hindi rin mapipintasan ang kanyang personal background dahil La Consolacion College graduate ang tinutukoy naming baguhang recording artist na si Jade Ecleo, tinaguriang “Crossover Diva.” Alaga ng socialite talent manager-businesswoman na si ma’am Emeellee Mercado ng UNO1ONE Entertainment Productions.

Just recently lang ay ini-release na ang self-titled debut album ni Jade na “Just Jade” kung saan ang awiting ‘Kulang Pa Ba?” na composed ng ating hitmaker na si Vehnee Saturno na nagsisilbi nitong carrier single sa album. Kasama rin sa pino-promote nito ang awiting “Kung Walang Ikaw, Walang Ako” na likha naman nina Elmer at Vivian Blancaflor.

Pero, ang pinaka-favorite ni Jade sa album ay ang sarili niyang komposisyon with co-composer Romer Timbreza na “Lumaban Ka”, na alay nito sa lahat lalung-lalo na sa lahat ng constituents sa Dinagat Islands, kung saan nagsisilbi bilang Vice-Governor dito si Jade.

In connection with the promo of her first album na produced ng UNO1ONE Entertainment Productions ay this coming Sunday (November 21) ating mapapanood si Jade sa kanyang first Mall show sa SM Fairview.

Bago lang nai-release ang kanyang Just Jade album ng Synergy Records na available sa mismong venue ng pagdadausan ng nasabing mall show ni Jade. Available sa lahat ng record bars nationwide ang nabanggit na album.

Napag-usapan si Marian Rivera nang ma-interview namin si Jade sa Chilis, Tomas Morato. Naikuwento ni Jade ang bad experience niya sa first encounter niya with Marian na nangyari sa Boracay noong nakaraang Holy Week kung saan sana siya nag-spend ng Mahal na araw.

Nasa favorite niyang Pizza house(Shakey’s) si Jade at nagkakagulo noon ang mga ka-chika nitong staff ng Shakey’s dahil nandoon sa labas ng Pizza house nila ang idol nilang si Marian at may bunos pa dahil kasama nito ang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Kitang-kita ni Jade kung papaanong effort ang ginawa ng mga empleyado na nag-ayos pa ng sarili nila.

Noong lapitan nila si Marian para magpa-picture taking, aba’y umandar na naman ang kamalditahan ng aging and ham actress dahil padabog daw itong nagtaray sabay dialogue nang “not now” at tabig sa kamay noong babaing empleyada ng Shakeys.

Sobrang naawa itong si Jade sa ginawa ni Marian sa mga kaibigang staff kaya’t ang ginawa nito ay sinadya nitong dumaan sa likuran ni Marian sabay parinig ng salitang “culture shock ako” na ang ibig sabihin ay nagulat siya sa kawalan ng breeding o kagaspangan ng ugali ni Marian sa totoong buhay.

Handang-handa si Jade noong mga oras na ‘yun, na kapag pumalag o sumagot si Marian sa patutsada niya ay talagang magkakagulo at sasabunutan talaga niya ito. Ang buong akala  kasi nito noon ay sinisiraan lang ng mga reporter si Marian at gawa-gawa o tsismis lang ang isyung maldita ang actress na hinahangaan pa naman ni Jade.

Pero, dahil sa nakita na nito ang tunay na kulay ni Marian ay sobrang turn-off na ito sa actress na maganda pa naman daw sana pero burak naman pala ang pag-uugali.

Kaya, Marianitang okray, para sa iyo ang mga mensaheng ito!: “Marian, binigyan ka ng Diyos ng pagkakataong umangat. Saan ka ba nanggaling? Magmahal ka naman ng kapuwa mo!” malamang huling sambit pa ng Crossover Diva na si Jade.

****

Personal: I would like to greet the mother of Eat Bulaga, and senior vice-president/COO of Tape Incorporated na si Ma’am Malou Choa-Fagar ng belated happy, happy happy birthday last November 12. Mabuhay ka Ma’am Malou sa iyong pagmamahal sa maraming tao sa industriya ng showbiz. Wish you all the best, happines and of course, more blessings to come!

Base sa araw-araw na pagpunta ng wacky tandem na sina Wally Bayola at Jose Manalo na ngayon ay ka-join na rin ng dalawa sa “Juan For All, All For Juan” Sugod-Bahay sa Barangay ang Dabarkads sa Eat Bulaga, kasama na si Paolo Ballesteros at siyempre pa ang SBG o sugod-bahay group dancers at ilang staff ng EB.

Sa pag-ikot sa bawat barangay na kanilang mga pinupuntahan, nakita ng mga ito ang sitwasyon ng maraming pamilya na ‘yung iba, halos wala ng mga makain, o pinapalayas na sa kanilang mga inuupahan at may mga napuputulan pa ng kuryente at tubig.

At ang lubos na nakakaawa ay ‘yung mga residenteng wala na ngang trabaho pagkatapos may mga karamdaman pa. Dahil sa mga nakakalungkot na kuwentong ito ng ating mga kababayan ay mas lalong naantig ang damdamin ni Bossing Vic Sotto at iba pang mga Ka-Dabarkads kaya’t maliban sa ipinamumudmod na mga cash at sari-saring papremyo ay nagdagdag pa ng additional budget ang Eat Bulaga upang higit pa silang makatulong sa lahat. Peter Ledesma

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply