Mark Anthony Fernandez, umaming nagka-problema ng asawa

MISMONG si Mark Anthony Fernandez na nagsabi na walang problema sa pagsasama nila ng kanyang misis na si Melissa.

May blind item kasi na lumabas na isang actor na may malaking problema sa kanyang non-showbiz misis na muntik nang umabot sa paghihiwalay na ang tinutukoy na actor ay si Mark Anthony Fernandez.

“Wala naman ganoong malaking problema sa amin ni Melissa. Nagulat ako nang may magtanong sa akin kung hiwalay na raw kami. Natural na sagot ko, hindi. May nasusulat daw pero blind item. Bakit naman ako magre-react sa blind item? Hindi lang naman ako ang actor na may misis na hindi taga-showbiz,” katuwiran ni Mark Anthony.

Aminado naman si Mark Anthony na dumadaan sila ni Melissa sa pangkaraniwang problema ng mga mag-asawa. May oras na hindi sila nagkakaintindihan dahil sa pareho silang pagod at kailangan nila ng space sa isa`t-isa.

“Kung anuman ang nangyayari sa aming mag-asawa, normal lang yun siguro. May times na may tantrums siya at may times na may topak din ako. Dala na rin yun ng stress sa trabaho,” say pa ni Mark Anthony.

Hindi naman itinanggi ni Mark Anthony na hindi sila nakapag-celebrate ng wedding anniversary. May plano sana sila pero biglang nagkaroon ng project si Mark sa GMA 7, ang “Little Star.”

Originally kasi ay si Rocco Nacino ang male lead sa “Little Star” pero bigla siyang pinalitan ni Mark Anthony nang i-revise ang script na mas lalo naman bumagay at gumanda ang istorya.

Ipinaliwanag naman raw ni Mark sa asawa at naintindihan naman siya.

Nangako sa misis na babawi kapag nagkaroon ng break uli.

SAM PINTO, DEDMA LANG SA MGA INTRIGA

Dedma as in wala lang ang reaction ni Sam Pinto sa mga intrigang ibinabato sa kanya nang makausap namin kahapon sa Timog Quezon Avenue kasama ang iba pang talent ng Viva Films na sina Zyrene Parsad, Jeff Gaitan, Meg Imperial at Jill Yulo.

Katuwiran ni Sam na ngayon ay pinag-uusapan magmula nang lumipat sa GMA 7 from ABS CBN,  na walang katotohanan ang ibinabato sa kanya para mag-react, tulad ng pagli-link sa kanila ni Dingdong Dantes at worst ay sinabi raw niyang ayaw niyang makasama ang boyfriend ni Marian Rivera dahil gusto niya si Richard Gutierrez ang makasama sa telebisyon or pelikula

“Wala akong sinabi na ayaw ko kay Dingdong. Baka namis-interpret lang nang iba diyan ang sinabi ko. I said kasi, I don’t want na masangkot sa Dingdong at Marian (Rivera) affair, Richard (Gutierrez) is nice and good looking guy,” pahayag ni Sam.

Tungkol naman sa magkasama sila ni Dingdong Dantes sa dressing room at doon daw sila madalas mag-usap at matsikahan ng boyfriend ni Marian.

“Magkasama kami sa dressing room ni Dingdong sa Party Pilipinas pero hindi kami nagkakausap, Ako lang nga ang babae sa dressing room, puro lalake ang kasama ko doon,” katuwiran ni Sam.

Sa pagmamaldita raw niya sa pelikulang “Si Agimat sa Mundo ni Enteng” ay wala rin raw katotohanan.

Nahihiya nga raw siya sa mga kasama big star dahil isang baguhan lang siya at nakasama na kaagad ang mga sikat na artista na sina Bong Revilla at Vic Sotto.

Wala pa raw kinukunan kissing scene sa kanila ni Senator Bong at kung mayroon raw ay walang problema as long na kailangan talaga sa istorya ng movie.

Biglang sikat na nga ni Sam Pinto dahil bukod sa mainstay na siya sa “Bubble Gang” kasama rin siya sa Party Pilipinas ng GMA 7 at may special participation din siya sa “Ilumina” at “Petrang Kabayo.”

Leading lady pa siya ni Bong sa “Si Agimat sa Mundo ni Enteng” na entry sa Metro Manila Film Festival sa December.

****

Remembered Jeff Gaitan ang magandang dilag na nakilala nang sumali sa Survivor Philippines last year at na-link sa kasama rin nitong Survivor na si Marvin.

Ayon kay Jeff, nakipag-break raw sa kanya si Marvin na ikinagulat siyempre ng beauty niya.

“Seven months din ang itinagal ng pagmamahalan namin ni Marvin. Of course, minahal ko siya at ganoon din siya. Kaya laking gulat ko nang isang araw kinausap niya ako para makipaghiwalay.

“Nagulat ako at hindi makapaniwala pero inintindi ko na rin siya dahil bata pa at gusto raw niya muna mag-enjoy. Ano pa ang magagawa ko kundi umiyak at mag-move on dahil di naman siya ang katapusan ng buhay ko,” say pa ni Jeff.

Ngayon ay handa na siyang harapin ang showbiz at nangako na hindi na muling magloloka-lokahan. Kapag nagmahal kasi ang hitad ay kinakalimutan na ang showbiz career. Nakatuon na lang ang kanyang buhay sa lalaking minahal. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply