Marlene, Ivler supporters nagrali sa US Embassy

SA unang pagkakataon, sinugod na ng mga supporters ni Jason Ivler sa pangunguna ng ina nitong si Marlene Aguilar ang US Embassy kung saan nagsagawa sila ng rally upang manawagan kay US President Barrack Obama thru US Ambassador Harry Thomas at umapela ng human rights para sa kanilang US war veteran na si Jason Ivler.

Si Jason Ivler ay halos anim na buwan nang nakakulong sa Quezon City jail na hindi pa naooperahan at kasalukuyang nagkakaroon na ng infections ang nakalawit pang bituka nito sanhi ng tama ng mga bala noong sugurin ng mga NBI ang kanyang bahay sa White Plains, Quezon City.

Hinihiling ng ina ni Ivler na si Marlene at mga tagasuporta nito na muling ipasok sa ospital si Ivler para maoperahan at maibalik na sa normal ang bituka nitong nakalabas pa hanggang ngayon.

Para nga sa ina ni Ivler, hindi makatarungan na pabayaan na lamang ng US Embassy ang kalagayan ng kanilang US war veteran na nakahalo
sa napakaraming preso sa maliit na kulungan dahil nakakasama ito sa naka-expose na bituka ni Ivler.

Bagama’t may tensyon sa nasabing rally, naging matahimik naman ito at hinayaan sila ng mga pulis at guwardiya ng US Embassy na makapag-rally doon. Nagpapasalamat naman si Marlene at mga kasamahan dahil lahat ng mga malalaking TV networks at pahayagan sa bansa ay sumuporta sa kanilang rally.  Charlie Lozo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply