Marquez bugbog kay Lopez

HINDI nakatagal kay WBO featherweight champion Juan Manuel Lopez (29-0, 26 KOs) si former two-division world champion Rafael Marquez (39-6, 35 KOs) matapos itong magwagi via TKO.

Ipinatigil na ng physician ang laban bago magsimula ang 9th round dahil sa tindi ng bugbog na inabot ni Marquez kay Lopez sa bakbakang ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Sa pamamagitan ng solidong kaliwa ay napasangkal ni Juanma si Marquez sa round three.

Nakaganti naman si Marquez kay Lopez sa round four na ikinayanig ng Puerto Rican.

Nabatid na nakaltasan ng puntos si Lopez dahil sa rabbit punch na ginawa sa nasabing round  na ikinagalit ni referee Tony Weeks.

Gumamit na ng matitinding uppercuts si Lopez sa round six ngunit naging mabalasik pa rin ang Mehikano.

Pinatindi naman ni Juanma ang atake kay Marquez sa round eight at hindi na ito lumutang sa round nine dahil sa right shoulder injury kaya naigawad sa Puerto Rican pug ang panalo. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply