Marquez gigil na kay Katsidis

Gigil na gigil na si Juan Manuel Marquez kay Michael Katsidis sa kanilang lightweight title fight sa November 27 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Ayon kay Marquez, nais niyang magbalik sa aksyon dahil nakabangon na siya mula sa mga nakaraan niyang kabiguan.

Kasama naman sa HBO televised undercard action ang sagupaang Andre Berto vs. Freddy Hernandez.

Si Celestino Caballero naman ay makikipagbasagan ng mukha kay Jason Litzau habang magpapakita rin ng aksiyon sina world champion Nate “The Galaxy Warrior” Campbell at Cuban junior middleweight sensation Erislandy Lara.

Samantala, lalaban din sina unbeaten young knockout artists Keith Thurman, Bastie Samir at Michael Finney.

Nabatid na si Campbell (33-6-1, 25 KOs) naman ay haharap kay Colombian southpaw Walter Estrada (37-13-1, 25 KOs) habang si Lara (13-0, 8 KOs)  ay sasagupa kay Thurman (14-0, 13 KOs) at si Samir (6-0, 6 KOs) ay makikipagtuos kay Finney (5-0, 5 KOs). Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply