Marquez handa na sa Linggo

IGINIIT ni Juan Manuel Marquez na nakahanda na siya sa laban kay Michael Katsidis sa sagupaan nila sa MGM Grand sa Las Vegas sa Linggo.

Ang sagupaan ng dalawa ay unified lightweight world championship showdown kung saan inaasahan na mabibigyan ni Marquez si Katsidis ng magandang laban.

Ang nasabing laban ay isinusulong sa pagtutulungan ng HBO at Golden Boy.

Samantala, sinabi ni Katsidis na mahirap na kalaban si Marquez ngunit napaghandaan na niya ito.

Subalit iginiit niyang wala siyang ibang layunin kundi ang maipanalo ang laban.

“I have prepared myself hard for this type of fighter. I don’t have to say any more. I’m ready to give a great fight to all of the people.” Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply