Marquez, kabado kay Katsidis

INAMIN kahapon ni WBA/WBO lightweight world champion Juan Manuel “Dinamita” Marquez na kinakabahan siya sa kanyang laban kay WBO interim lightweight titleholder Michael “The Great” Katsidis.

Gayunman, si Marquez na nagsagawa ng media work sa Los Angeles ay nagpahayag na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mapataob si Katsidis sa kanilang pagtutuos sa Linggo, November 27 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Marquez, maganda ang kanyang kondisyon at pinaghahandaan niya ito nang husto.

“I’m preparing very much for speed and we had a very good camp,” wika ni Marquez.

Si Marquez ay sumugod sa Trinity Boxing Club sa West Hollywood ngunit hindi niya inaasahang ganoon karami ang mga taong sasalubong sa kanya.

Sinabi pa niya na inaasahan na niya ang lakas at bilis ni Katsidis ngunit balewala ito sa kanya.

“I know that Katsidis has respectable power but we prepared for basically anything that he throws at us. If he wants to brawl, we’ll brawl, if he wants to box, we’ll box. We have a very good training camp and we’re ready for November 27th,” pahayag ni Marquez. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply