Marquez patutulugin ni Lopez

NAGBANTA kahapon si Puerto Rican WBO featherweight champion Juan Manuel “Juanma” Lopez na patutulugin niya si dating double world champion Rafael Marquez ngayong darating na Linggo.

Nakumpleto na rin naman ni Marquez ang kanyang training sa Francisco I. Madero Gym sa Mexico City kasama si trainer at boxing legend Daniel Zaragoza.

Gaganapin ang laban nina Lopez at Marquez sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Lopez, kung hindi man niya mapapabagsak si Marquez sa mga unang rounds ay tiyak na luluhod ito sa lona sa mga huling rounds ng sagupaan.

Tinawanan lang din naman ito ni Marquez sa pagsasabing matindi ang kondisyon niya ngayon at hindi siya basta na lang hahalik sa lona sa isang tulad ni Lopez.

Hangad ni Marquez na makuha ang third world title niya sa 126 pounds at pinatitindi niya ang pagsasanay sa kanyang paa at pagdepensa nang malapitan kontra sa Puerto Rican.

Magiging sandata umano ni Marquez ang malapitang hooks at matitinding upper cuts. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply