Martilyo Gang, tinutugis na

TINUTUGIS na ngayon ang mga miyembro ng grupong “Martilyo Gang” na itinuturong responsable sa pagpapasabog sa SM Bicutan mall noong Linggo ng gabi kung saan anim na katao ang sugatan.

Nagtamo ng  mga shrapnel sa katawan ang anim na biktima na dinala sa South Super Hi-Way Medical Center at Parañaque Doctor’s Hospital upang mabigyan ng karampatang lunas.

Ayon sa pulisya, apat sa mga miyembro ng Martilyo Gang — dalawang lalaki at dalawang babae — ay hinihinalang nasa likod ng pagnanakaw sa Oro China Jewelry Shop sa SM City Bicutan sa Parañaque City.

Ayon kay Metro Manila police director Chief Superintendent Nicanor Bartolome , ang mga suspek ay gumamit ng martilyo, na binili pa mismo sa hardware ng naturang mall, upang basagin ang salamin na kinalalagyan ng mga alahas sa naturang jewelry store.

Hindi pa rin malaman kung magkano ang nanakaw sa jewelry shop ng naturang grupo.

Nakilala ng awtoridad ang mga suspek sa pamamagitan ng mga CCTV camera ng naturang mall.

Habang isinasagawa ang pagtakas ng naturang grupo, naghagis ng isang granada ang mga ito sa escalator mula sa ikatlong palapag patungo sa direksyon ng mataong unang palapag ng naturang mall.

“During the escape, merong isang gumawa ng diversionary tactic kung saan merong siyang binato na isang granada (During the escape, one of the suspects hurled a grenade as a diversionary tactic),” saad pa ni Bartolome.

Kinikuwestiyon naman ni Bartolome ang security inspection sa entrance ng naturang  mall kung saan naipuslit ng mga suspek ang granada..

“‘Yun ang ating isang titingnan dito, kung papaano nakapasok ‘yun, and we will institute some improvements doon sa mga procedures ng mga security agencies na nagpapatakbo dito,” dagdag pa ni Bartolome.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply