Masbaste nilindol

NIYANIG ng lindol ang Masbate province sa Bicol Region na naitalang may magnitude 3.6, madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naturang pagyanig ay naitala bandang 5:52 ng umaga ng Huwebes na may epicenter sa 21 km northwest ng Masbate town sa Masbate.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang pagyanig ay naramdaman sa Aroroy town ng Masbate, ngunit wala namang naitalang nasira o nasugatan.

Wala ring naitalang aftershock matapos ang paglindol.

Naramdaman ang lindol matapos ang magnitude -5.2 na pagyanig naman sa Zambales province 12 oras ang nakalilipas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply