Matansero kinuyog ng taumbayan

HALOS manghiram ng mukha sa aso ang isang matansero matapos  kuyugin ng bugbog ng taong bayan matapos kursunadahin nito ang isang karatista sa Navotas City.

Kinilala ang suspek  na si Orgino Iremeo, nasa hustong gulang, matansero, residente ng Blk. 36, Mandaragat, Brgy. NBBS, ng nasabing lungsod. Ang biktima ay nagtamo naman ng sugat sa kamay at daliri ay nakilalang si  Caseres Artay, 24, factory worker at naninirahan sa Phase 1-B, na tinangkang saksakin ng suspek.

Sa imbestigasyon ni PO1 Philip Valera, naganap ang insidente dakong ala-una ng madaling araw sa kahabaan ng Old Fish Port ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya, nagtungo ang biktima sa bahay ng kasintahan nito, at nang papauwi na ay kinursunada ito ng suspek na armado ng butcher knife. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply