Matumal na ang Undas, matumal pa ang turismo

ANG daming nagtataka sa pagiging matumal ng negosyo sa Undas at turismo.

Tingnan natin.

Nagpalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng daan-daang permit para sa biyaheng Undas paprobinsiya mula sa mga pangunahing lungsod gaya ng Metro Manila.

Pero nilangaw ang ilang istasyon ng mga sasakyan at hindi nakasingit ang maraming bus para bumiyahe.
Nakasingit man sila, paisa-isang biyahe lang.

Marami ang nagdagsaan sa mga istasyon pero tagahatid lang pala sila. Sa isa o dalawang bumiyahe, nasa
sampu ang mga nagbilin na lang ng pangungumusta sa kanilang mga patay.

May nagpabaon na rin ng konting halaga para sa kanilang mga mahal sa buhay sa mga lalawigan.

Sa mga pier, ganundin ang nangyari. Yung mga kumuha ng right para magtayo ng tindahan sa loob ng mga pier para sa kandila, pabaon, pagkain at kung ano-ano pa, marami ang nalugi.

Naging matumal din kasi ang biyahe sa mga barko.

Sa mga tourist spot, lalong may mga nilangaw.

Ibig sabihin nito, marami ang hindi kumitang hotel, motel, restaurant, may-ari ng mga bangka o speedboat na pamasyal at kung ano-ano pa. Siyempre pa, kasama sa mga hindi kumita ang mga nagtitinda ng alak sa mga tourist spot.

Yung mga nagpaseksi at nagpapogi para maging escort ng mga turista, naging matumal din ang kanilang kita.

Kasama sa gumarahe ang mga tourist bus.

oOo

Ngayon, mga Bro, ito ang isa sa dapat na isipin ng mga nasa Palasyo.

Hindi sapat ang mga magagandang salita upang sumigla ang buhay ng mamamayan.

Pagkatapos ng halalan noong Mayo 10, 2010 at pambarangay at pangkabataan, wala pang nararamdaman na ginhawa ang nakararaming mamamayan.

Ang sabi pa nga, kung naging matumal noong nakakaraang mga taon ang lahat ng negosyo, turismo at iba pa, ang grabeng pagtumal ng mga ito ngayon ay palatandaan ng hindi magandang kalagayan.

Kung meron mang nagsasabing okey ang ekonomiya, baka nauulit lang ang survey noong nakaraang taon na tanging ang mga higanteng kompanya lang ang kumikita at iilan katao lang ang umuunlad ng buhay.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply