Mayol babangon next year

NANGAKO si dating WBC light flyweight champ Rodel Mayol na muli siyang sasampa ng ring sa susunod na taon at sisikapin niyang makakuha ng kampeonato.

Nais niyang makabawi sa talo niya kay Omar Nino Romero sa isang rematch kung saan nawalan siya ng korona.

Bago nawala sa kanya ang korona ay matatandaang naagaw niya ito kay Edgar Sosa via TKO sa round 2 noong November 12 ng nakaraang taon.

Ayon kay Mayol, kahiya-hiya ang nangyari sa kanyang karera ngunit gagawin niya ang lahat upang muling magtiwala sa kanya ang mga fans.

Sinabi ni Mayol na may laban siya sa susunod na taon kung saan tatangkain niyang mang-agaw ng korona.

Kakalabanin niya si WBC light flyweight champion Gilberto Keb Baas na 33 taong gulang.

Nais ni Mayol na ganapin sa Mehiko ang sagupaan dahil kilala na siya ng mga tao roon.

Idinagdag pa niya na lalaban siya sa 108 pounds at aakyat pa siya ng timbang dahil 29 pa lang naman siya ngayon. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply