Mayweather nanapak ng sekyu

Nahaharap na naman sa panibagong dagok si undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. matapos ireklamo ng isang sekyu nang pananakit at panduduro sa kanya na nag-ugat sa parking violations.

Ayon kay Las Vegas police Officer Marcus Martin, tumanggi si Mayweather na magsalita sa pulisya hinggil sa nasabing komprontasyon ngunit naisumite na ang misdemeanor battery report sa Clark County district attorney para maisulong ito.

“Mr. Mayweather became agitated and came out of his house,” pahayag ni Martin. “When the guard rolled down the window, he poked the security guard in the face with his finger several times, according to the security officer.”

Matagal na umanong may alitan si Mayweather at ang homeowner association security officers dahil sa maling pagpaparada ng boksingero ng kanyang sasakyan.

Nadiskubre na kasalukuyang nagtatala ang sekyu ng report ukol sa mga behikulong nakahambalang sa kalye sa labas ng bahay ni Mayweather nang bigla na lang pagbantaan ito at sinaktan.

Ayon sa ulat, ang 33 taong gulang na si Mayweather ay nakatira sa five-bedroom-two-story home sa Wood Creek Court ng halos dalawang taon na at ito ay nahaharap sa patung-patong na kasong coercion, grand larceny at robbery charges matapos namang saktan ang dating nobya at pagbantaan ang dalawang anak noong Sept. 9 ng taong ito.

Dulot ng pangyayaring ito, lalong lumalabo ang inaasahang Pacquiao-Mayweather clash sa susunod na taon sapagka’t kinailangang malinis muna ng black American boxer ang kanyang pangalan bago harapin sa ibabaw ng ring ang Pinoy boxing icon. (Gilbert Perdez)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply