Melindo-Tamara faceoff ngayon

SASABOG na ngayong araw na ito ang sagupaan sa pagitan nina world ranked & unbeaten Milan Melindo (22-0, 7 KOs) at IBF light flyweight world champion Carlos Tamara (21-5, 15 KOs) ng Colombia sa Waterfront Hotel Casino sa Cebu City, Cebu.

Ang bakbakan nilang dalawa ay isang 10 round flyweight bout kung saan kapwa nangako ang dalawa ng magandang laban.

Ito ay pinamagatang “Pinoy Pride 2: Best of the Best” boxing extravaganza sa Cebu.

Naniniwala naman si Edgar Sanchez, trainer ni Tamara na magiging Fight of the Year ito dahil si Melindo ay isang counter-puncher habang si Tamara ay agresibo at matindi ang stamina.

Nagbanta si Melindo na patutumbahin niya sa round 5 ang Colombian.

Samantala, handa na rin si OPBF flyweight king Rocky Fuentes kay Thailander Inthanon Sithchamuang habang si dating IBF world champion Florante Condes ay makikipagtuos kay Japanese Kenichi Horikawa.

Si ex-OPBF champ Randy “Komong Bato” Suico naman ay haharap sa dating sparmate ni Manny Pacquiao na si Arniel Tinampay habang si Dodie Boy Penalosa Jr. ay haharap kay Jomar Torreon. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply